|
||||||||
|
||
CBCP President dumistansya sa ginawa ni Arsobispo Cruz
NABALITAAN ni Arsobispo Socrates B. Villegas sa pamamagitan ng media ang paglahok ni Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz sa mga lumagda sa impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino.
Sa isang pahayag na inilabas sa media kagabi, sinabi ng pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na kahit si Arsobispo Cruz ay nais ipaliwanag na ang kanyang desisyon na makabilang sa mga lumagda sa impeachment ay personal niyang desisyon base sa kanyang sariling pagsusuri ng mga nagaganap sa bansa.
Ani Arsobispo Villegas, tulad ng mga nakalipas na karanasan ipinakita at ipinamalas na ni Arsobispo Cruz ang kanyang interes sa mga nagaganap sa bansa tulad na rin ng ibang mga mamamayan.
Maliwanag na ang paninindigan ng isang obispo ay personal at hindi kumakatawan sa kapulungan ng mga obispo. Walang anumang desisyon ang kapulungan na susuporta o hahadlang sa impeachment complaint laban sa pangulo subalit walang anumang magiging masamang reaksyon sa sinumang kasama ng Simbahan o Layko na gagamit ng kanyang karapatang nasasaad sa Saligang Batas.
Ang mga nagaganap ngayon ay nakapahirap at nakababagabag. Inuulit ng CBCP ang panawagan sa lahat na sundin ang Saligang Batas bilang pagpapakita ng sinumpaan sa mga mamamayan sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ayon kay Arsobispo Villegas, mahalaga ang pagkakaiba ng anumang popular o lumalabas na popular kaysa kung ano ang tama at matuwid.
Mahalagang kilalanin ang mga pananagutan ng ehekutibo, legislature at hudikatura ayon sa itinatadhanan ng Saligang Batas, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |