|
||||||||
|
||
Kuryente, nakabalik na sa Metro Manila
NAKABALIK na ang kuryente sa Metro Manila na mayroong 2.5 milyong mga electric consumers at kulang na lamang sa isang libong consumers ang wala pang kuryente.
Ipinaliwanag ni G. Jose Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco na umabot sa 100,000 mga nanatiling may kuryente at naiwasan ang system-wide blackout noong kasagsagan ng pananalasa ni "Glenda". Sinuri nila ang situwasyon noong Martes pa lamang ng gabi.
Noong tumama ang bagyong Milenyo noong 2008, malaki rin ang naging pinsala sa Meralco. Inaasahan nilang tatama si "Glenda" sa Metro Manila subalit tila naglaro ang mata ng bagyo at tumama pa ang buntot ng bagyo kaya't malubha ang naging pinsala noong Miyerkoles pa lamang. Walang supply ng kuryente mula sa katimugang bahagi ng Kamaynilaan. Umasa na lamang sila sa mga supplier mula sa hilagang bahagi ng Luzon.
Unti-unting inaasayos ng National Grid Corporation of the Philippines ang pinsala kasabay ng ilang control centers ng mga pinagmumulan ng kuryente tulad rin ng Meralco na nag-aayos ng kanilang mga linya.
Apat na porsiyento na lamang ang aayusin nila bagama't may problema pa ay ang mga lalawigan ng Quezon, Laguna, Batangas at Cavite. Inuuna nila ang pagbibigay ng kuryente sa kanilang mga circuit. Susunod na masusuri ang kalagayan ng mga electric consumers patungo sa mga tahanan.
Wala pang naitatayang pinsala sa larangan ng revenue losses at pagtataya sa pinsalang natamo ng kumpanya dahilan bagyo tulad ng mga transformer, mga kable at poste. Ilalabas nila ang datos sa susunod na mga araw sapagkat ang kanilang prayoridad ay ang pagbabalik ng kuryente sa mga napinsalang pook.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |