Pangulong Aquino, dadalaw sa Europa, Estados Unidos at Gitnang Silangan
DADALAW sa iba't ibang bansa si Pangulong Aquino ayon sa French Ambassador sa kanyang padalang balita sa mga mamamahayag. Ayon kay Ambassador Gilles Garachon, mapalad sila sapagkat maganda ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Francia sa pagdalaw sa darating na Setyembre.
Mag-uusap na sina Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario at French Foreign Minister Laurent Fabius hinggil sa detalyes ng pagdalaw na magaganap sa ika-67 taon ng relasyon ng dalawang bansa.
1 2 3 4 5 6 7 8 9