|
||||||||
|
||
Arsobispo Cruz, lumahok sa mga lumagda sa impeachment laban kay Pangulong Aquino
SINABI ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz na lumahok siya sa mga lumagda sa impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kahit pa naniniwala siyang walang patutungan ang reklamo.
Sa isang panayam, sinabi ng dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi naman sikreto sa madla na ang karamihan ng mga kongresista at senador ay tumatanggap ng pabor, pabuya o pork barrel (mula sa ehekutibo).
Ani Arsobispo Cruz, bagama't pumirma siya, alam din niyang hindi ito magtatagumpay. Nakiisa lamang umano siya sa mga taong hindi kayang tanggapin ang ginagawa ng Malacanang sa mga nakalipas na raw. Marami ng mga Filipino na ang nagagalit sa paglapastangan sa batas.
Nagkaroon na umano ng Million People March noong Agosto 2013 sa Luneta at martsa sa Ayala Avenue at hindi magtatagal ay magkakaroon ng People's Initiative sa Cebu laban sa Pork Barrel.
Hindi na umano nasiyahan sa nakamtang pagkakakuha sa Senado at Kongreso at ngayo'y nais na ring maibulsa ang Korte Suprema. Ipinaliwanag ng arsobispo na sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Hacienda Luisita, natanggal si Chief Justice Renato Corona.
Ang siste, ani Arsobispo Cruz, ay naninindigan na ang mga taga-Korte Suprema at Court of Appeals at ipinakita na nila na hindi nila matatanggap ang pangbabraso ng ehekutibo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |