|
||||||||
|
||
Mula kay Pangulong Cory, walang nakatanggap ng magandang ratings sa pagbaba sa puesto
LAHAT NG NALUKLOK SA MALACANANG AY BUMABA ANG RATINGS SA PAGTATAPOS NG TERMINO. Sinabi ni Professor Bobby Tuazon na mula kay Pangulong Cory Aquino hanggang ngayon ay bumababa ang performance ratings ng lahat na nanirahan sa Malacanang. Naharap sila sa iba't ibang krisis. (Melo Acuna)
NAPUNA ni Professor Bobby Tuazon, Director for Policy Studies ng Center for People Empowerment in Governance, na walang sinumang pangulo mula kay Pangulong Corazon C. Aquino ang nagtaglay ng mataas ng performance ratings.
Binanggit niya na si Pangulong Aquino ay nagtaglay ng +70% performance rating at ng umalis sa puesto noong 1992 ay nagkaroon na lamang ng +8%. Si Pangulong Fidel V. Ramos ay nagkaroon ng +65% noong 1992 at nagtaglay ng +20% noong 1998 samantalang si Pangulong Joseph Ejercito Estrada ay nagkaroon ng +65% rating noong 1998 at bumaba ito sa 10% noong 2001.
Sa pagluklok ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001, nagtaglay siya ng +20% performance rating at noong 2010 ay nagtaglay ng -50%.
Ani Professor Tuazon si Pangulong PNoy Aquino ay nagkaroon ng +67% rating noong 2010 at nitong nakalipas na buwan, mula Hunyo 27 hanggang Hunyo 30, mayroon na lamang siyang +25%.
Ipinaliwanag pa ng propesor na ang lahat ng mga panguluhan mula noong 1986 hanggang ngayon ay naharap sa mga pagyanig sa larangan ng politika at ekonomiya. Ang lahat ng pangulo ay nagsimula sa magandang rating subalit bumubulusok sa pagtatapos ng termino. Mula sa mahinang takbo ng bansa at nakikitang patuloy na nalulugso ang mga institusyon. Walang lalim ang sinasabing democratic governance.
Ang pangulo ang hari samantalang ang Kongreso ay maihahalintulad sa isang rubber stamp. Ang Hudikatura ay nasa bingid ng alanganin sapagkat niyayanig ang "rule of law." Nawawala ang transparency at accountability sapagkat nauuwi sa compromise o pakikipagkasundo at trade-offs.
Nagpapatuloy ang transactional o patronage politics na yumayabong sa pamamagitan ng pork barrel system at iba pang mga pabuya. Patuloy na lumalago ang family dynasties sa paglawak ng kanilang mga nasasakupan. Nagkaroon nan g dalawang pangulo mula sa dalawang family dynasties.
Buhay ang crony capitablism sa pagkakaroon ng elisista at corruption-driven politics. Malabong magkaroon ng political party system at laging kaduda-duda ang halalan dahilan sa presidential appointees na nasa Commission on Elections.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |