|
||||||||
|
||
Radyo Tapat, inilunsad
ISANG online radio ang inilunsad ng Areopagus Social Media for Asia, Inc. kamakailan.
Sa simpleng seremonyang ginawa, nagkaroon ng ceremonial click sina Fr. Marvin Mejia, ang CBCP Secretary General, Msgr. Pedro C. Quitorio, Director ng CBCP Media Office at Bro. Rudy Diamante, executive secretary ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.
Ayon kay Msgr. Quitorio, ang Radyo Tapat ay isang tugon sa pangangailangan ng mga Filipinong nasa iba't ibang bansa. May mga palatuntunang nagtatampok ng mga balita, mahahalagang impormasyon at ugnayan sa iba't ibang komunidad sa buong daigdig.
Kasama sa mga unang palatuntunan ang pagsusuri sa mga isyu ng lipunan nina Arsobispo Oscar V. Cruz at Msgr. Quitorio, pagsulyap sa Kasaysayan, mga balita at editoryal, entertainment at paglilingkod-bayan.
Kabalikat ng Radyo Tapa tang China Radio International sa pagbabahagi ng palatuntunang "Mga Pinoy sa Tsina". Inaasahang magkakaroon din ng community updates mula sa mga Filipino sa East at West Coast ng Estados Unidos, Europa, Gitnang Silangan at maging sa Africa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |