Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Enrile, ipinasususpinde ng Sandiganbayan

(GMT+08:00) 2014-07-25 18:45:36       CRI

Liderato ni Pangulong Aquino, nasayang

MALAKING pagkukulang ang naganap sa liderato ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa nakalipas na ilang taon. Ito ang sinabi ni Dr. Temario C. Rivera, Chairman ng Center for People Empowerment in Governance sa idinaos na ika-anim na State of the Presidency: A Damaged Presidency, A Besieged Administration sa National College of Public Administration and Governance sa University of the Philippines kaninang umaga.

Ipinaliwanag ni Dr. Rivera na bilang Commander-In-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay may ibayong impluwensya mula ng maluklok noong ika-30 ng Hunyo 2010, nasa kanyangh poder ang pagbuo ng pambansang budget sa pamamagitan ng Department of Budget and Management.

Sa unang apat na taon ng panunungkulan ni Pangulong Aqino, maganda ang kanyang ratings sa pamamagitan ng public opinion surveys, na maituturing na isang political capital na sana'y ginamit niya upang simulan at mapanatili ang kailangang reporma.

Ang problema ay ang kawalan ng kakayahang magdesisyon at kawalan ng sapat na kakayahan ng pangulo kaya't nakikita ng mga mamamayan ang kanyang kakulangan.

Kahit pa mayroong magagandang balita sa pag-unlad ng ekonomiya sa Pilipinas, at pumapangalawa lamang sa Tsina, nangunguna ang bansa sa larangan ng kahirapan at kawalan ng trabaho sa buong ASEAN sa nakalipas na walong taon. Kahit pa umano matindi ang kampanya laban sa katiwalian, nahaharap ang administrasyon ni Pangulong Aquino sa pinakamasamang corruption scandal na kinasasangkutan ng ilan sa pinakamalapit na kaibigan ng pangulo. Wala pa ring katiyakan ang ninanais na kapayapaan sa Mindanao.

Idinagdag pa ni Dr. Rivera na nakakabagabag ang ginawa ni Pangulong Aquino na nanindigang matuwid at tapat bilang tugon sa mga pumupuna matapos magdesisyon ang Korte Suprema na taliwas sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program ng kanyang administrasyon. Ipagtanggol at ipinagsanggalang pa niya ang kanyang mga kasamang sina Kalihim Abad at Alcala na nasangkot sa kung anu-anong katiwalian.

Batid umano ng lahat na ang kalakhan ng pondo ng DAP ay ginamit para sa patronage politics samantalang ang malalaking alokasyon para sa mga proyekto, mga personalidad at mga pook ay nasa kamay ng isa o dalawang tao.

Ang PDAF at DAP na nagdulot ng krisis at ang mga naganap noong mga nakalipas na buwan tulad ng sagupaan sa Zamboanga, ang krisis sa Sabah at pinsalang idinulot ni "Yolanda" at mga kalamidad, ang kapalpakan sa automated election system, ang patuloy na kawalan ng pagpaparusa sa mga lumalabag sa karapatang pangtao, at krisis na kinaharap ng bansa sa Tsina ay pawang pagpapakita ng kawalan ng kakayahan, kawalan ng paghahanda ng isang liderato na hindi nakatutugon sa mga suliranin ng lipunan dahilan na rin sa palpak ng political system.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>