Sandatahang Lakas ng Pilipinas, huwag ng idawit sa kontrobersya
NANAWAGAN ang Malacanang na huwag ng idawit pa ang Armed Forces of the Philippines sa politika kasunod ng mga tsismis na magkakaroon ng coup de etat kasunod ng kontrobersya sa Disbursement Acceleration Program.
Tumanggi si Undersecretary Abigail Valte, deputy presidential spokesperson, na direktang sagutin ang tanong kung kampante o panatag ang loob ng Malacanang na hindi makakasama ang mga opisyal at tauhan ng AFP sa sinasabing pag-aaklas. Mas makabubuting huwag ng idawit ang AFP sa mga isyung politikal.
Ipinaliwanag niyang ang militar ay para sa bansa at sa mga mamamayan. Huwag ng bahiran pa ng politika ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, dagdag pa ni Atty. Valte.
1 2 3 4 5 6 7 8