Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Enrile, ipinasususpinde ng Sandiganbayan

(GMT+08:00) 2014-07-25 18:45:36       CRI

Naghahabol ng oras ang pamahalaan

PAMAHALAAN, NAGHAHABOL NA NG ORAS.  Ito ang paniniwala ni Dean Julkipli Wadi, pinuno ng Islamic Studies sa UP Asian Center hinggil sa Bangsamoro Basic Law.  Magugunitang binuo ang panukalang batas ng Bangsamoro Transition Commission na pinamunuan ni MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal.  Nang dalhin ang sipi sa Malacanang, nagkaroon umano ng pagbabago ang legal team ng pamahalaan kaya't nagagahol na sa oras ang magkabillang panig.  (Melo Acuna)

TILA kapos na sa panahon ang pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao.

Ito ang paniniwala ni Dean Julkipli Wadi ng Institute of Islamic Studies ng UP Asian Center sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng civil society kaninang umaga.

Ani Dean Wadi, matapos ang apat na taong peace talks, ang Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front ay patuloy na nahaharap sa hamon ng legalidad ng kasunduan kung pagbabatayan ang Saligang Batas ng Pilipinas.

Magugunitang ang nilalaman ng kasunduan ang naging sandigan ng Bangsamoro Basic Law na mahaharap sa pagsusuri ng Kongreso, at maaaring makarating pa sa Korte Suprema.

Ang pagtatangka ng Malacanang na mapalabnaw ang Bangsamoro Basic Law sa paggigiit ng Moro Islamic Liberation Front na magkaroon ng isang Bangsamoro government sa 2016 ang senyales ng kahirapang haharapin ng magkabilang panig.

Bahagi ng pressure ang pagbabago ng buod ng Bangsamoro Basic Law na pinakinabangan ng pamahalaang Aquino sa pagkakaroon ng mataas na popularity ratings. Nasa defensive stances ang pamahalaan kasunod na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kontrobersyal na DAP at ang tatlong impeachment charges laban kay Pangulong Aquino.

Tila walang nagaganap na pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim na pawang stakeholders sa kasunduan. Ang Sabah standoff at ang naganap na sagupaan sa Zamboanga noong nakalipas na taon at ang paghahasik ng lagim ng ibang rebel groups ay pagpapakita lamang ng sintomas ng malubak na daan tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Idinagdag pa ni Dean Wadi na marami ang nababahala kung paano mapapag-isa ng Aquino Administration ang iba't ibang sangay ng pamahalaan at ang mga mamamayan upang suportahan ang proyektong inaasahang magwawakas sa kaguluhan sa Mindanao.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>