Southern Leyte, niyanig ng lindol
NAGULAT ang mga mamamayan ng Southern Leyte kaninang mag-iikawalo ng umaga (7:57 A.M.) ng maramdaman ang pagyanig ng lupa. Nagkaroon ito ng Intensity VI.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang epicenter ng lindol ay walong kilometro sa silangan ng Hinundayan, Southern Leyte. Posible umanong nagmula sa Philippine Fault Zone sa bahagi ng Leyte. Intensity VI din ang nadamang lindol sa St. Bernard. Intensity IV naman sa Tacloban City at Intensity III sa Palo, Leyte, Intensity II sa Cebu City at Talisay City at maging sa Surigao City.
Intensity II rin sa Burgos, Surigao del Norte at Intensity I sa Lapu-Lapu City.
Bagama't iniulat ni Admiral Alexander P. Pama, ang executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, na mayroong mga bitak na nakita sa mga paaralan, idinagdag ng PHIVOLCS na sa pagkakaroon ng Intensity VI, umaasa silang minor damages lamang ang maibabalita lalo't maapektuhan ang mga sinauna at mahihinang mga gusali.
1 2 3 4 5 6 7 8