Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduang pangkapayapaan, problemado; MILF masama ang loob

(GMT+08:00) 2014-08-06 19:24:13       CRI

Paglilikas ng mga Filipino sa Libya, inihahanda na

PAGLILIKAS NG MGA FILIPINO MULA SA LIBYA, INIHAHANDA NA. Sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na nakatakdang dumating ang isang arkiladong barko sa Benghazi sa Linggo, ika-10 ng Agosto at maglalakbay patungong Misrata. Sa isang press briefing kanina, sinabi ni G. Jose na tutuloy ang barko sa Malta sa pinakamadaling panahon. Sa Malta maghihintay ang dalawang eroplano ng Philippine Air Lines upang sakyan ng higit sa 1,000 mga OFW. (Melo Acuna)

ISANG arkiladong barko ang inaasahang sasakyan ng mga manggagawang Filipino mula sa Misrata at Benghazi at mga kalapit na pook sa mga susunod na araw.

Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na mayroong 436 na OFW ang nakatala sa Benghazi samantalang mayroong 602 mga mula sa Misrata. Ang mga tauhan ng Rapid Response Team ay nakikipag-ugnayan na sa Red Crescent Society sa Misrata samantalang ang Rapid Response Team na Benghazi ay nasa tahanan ng isang Bb. Doris Battad sa loob ng Children's Hospital Compound na siya ring kinikilalang registration area.

Nagsimula na ang pagpapatala may dalawang linggo na ang nakalilipas. Sa tulong ng Red Crescent society, magkakaroon ng masasakyan patungo sa daungan o pier ang mga Filipino. May koordinasyon na rin sa Immigration, Customs at iba pang tanggapan upang maayos na makapaglakbay ang mga manggagawang Filipino. Ang Red Crescent din ang magbibigay ng seguridad sa convergence areas bago sumakay ng barko.

Darating ang barko sa Libya sa madaling araw ng ika-10 ng Agosto at dadaong sa Benghazi ng mga ika-siyam hanggang ikasampu ng umaga at magtatagal ng limang oras ang pagsakay ng mga Filipino. Aalis sa Benghazi at maglalayag patungo sa Misrata.

Darating ang barko sa Misrata ng mga ika-siyam o ikasampu ng umaga at magtatagal ng limang oras ang pagsakay ng mga manggagawang Filipino.

Maglalayag na ang barko patungo sa Malta at dadalhin ang mga Filipino sa paliparan upang sumakay ng dalawang arkiladong Philippine Air Lines jet pabalik ng Maynila.

Bagama't 1,036 ang nakatala, walang katiyakan kung ilang ang makasasakay sa barko. Mas ligtas na umano ang paglalayag kaysa gumamit ng mga sasakyang panglupa kahit pa bukas na ang hanggangan ng Libya at Tunisia.

Idinagdag pa ni Asst. Secretary Jose na mayroong 400 manggagawang naglilingkod sa isang kumpanyang Koreano ang nakatakdang umuwi. Sagot mismo ng mga Koreano ang pamasahe ng mga manggagawang pauwi ng Pilipinas.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>