Desisyon ng Korte Suprema, mawawalang saysay sa oras na baguhin ang batas
ANG desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing taliwas sa Saligang Batas ang pagkilala ng Ehekutibo sa "savings" ay mawawalang-saysay sa oras na magkaroon ng bagong batas ang Lehislatura.
Sa budget hearing ng Development Budget Coordinating Committee sa House of Representatives, sinabi ni Kalihim Florencio Abad na nais ng Malacanang na magkaroon ng bagong definition ang Kongreso sa katagang "savings" sapagkat naniniwala ang Palasyo Malacanang na hindi kinikilala ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng budget.
Tinannong ni Bayan Muna party-list Congressman Neri Colmenares kung mawawalang-saysay ang desisyon ng Korte Suprema sa oras na magkaroon ng bagong definition ang Kongreso sa katagang "savings," sumagot si Kalihim Abad na mababago nga ito.
Paliwanag ni Abad na ang Saligang batas ang nagtatalaga sa Kongreso na kilalanin kung ano nga ba ang savings at wala ito sa kapangyarihan ng Korte Suprema.
1 2 3 4 5