Malacanang, bukas sa panukalang magkaroon ng term-extension si Pangulong Aquino
BUKAS ang Malacanang sa posibilidad na magkaroon ng extension si Pangulong Aquino kahit mayroong pagbabawal sa saligang batas na tumakbong muli sa halalan.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sensitibo si pangulong Aquino sa sentimiento ng taongbayan kung mananatili siya sa puesto kahit tapos na ang kanyang termino sa 2016.
Ani Kalihim Lacierda, matami ang nagsasabing gusto nilang magpatuloy si Pangulong Aquino sa ilalim ng isa pang termino. Aalamin pa ng pamahalaan kung "iyon ba ang tinig ng masa ng kanyang mga boss."
Sensitibo si Pangulong Aquino sa tinig ng mga mamamayan kaya't hintayin na lamang ang magaganap, dagdag pa ni Kalihim Lacierda.
1 2 3 4 5