Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduang pangkapayapaan, problemado; MILF masama ang loob

(GMT+08:00) 2014-08-06 19:24:13       CRI

Special Report

DIPLOMASYA, MAHALAGA SA KAPAYAPAAN.  Sinabi ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na mahalaga ang diplomasya sa paghahanap ng kapayapaan. Sa kanyang talumpati sa Ambassador's Forum sa Asian Institute of Management, sinabi ni Ambassador Ahmad na kailangan ang ibayong pagtutulungan upang ang kapayapaa'y makamtan.  Umaasa siyang magtatagumpay ang pag-uusap ng MILF at Pamahalaan ng Pilipinas.  (British Embassy Photo) 

 

Diplomasya, mahalaga sa Kapayapaan

HINDI maikakaila ang kahalagahan ng diplomasya upang malutas ang mga 'di pagkakaunawaan.

Ito ang buod ng talumpati ni British Ambassador to the Philippine Asif Ahmad sa Asian Institute of Management. Napapanahon umano ang kanyang talumpati sapagkat nag-uusap ang Pamahalaan ng Pilipinas at ang mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front upang tapusin ang mga nalalabing paksa na maghahatid ng kapayapaan.

Mahalaga rin ang papel ng Britanya sa pagtiyak na magaganap ang kapayapaan sapagkat kasama sila sa International Contact Group na nagmamasid sa mga gawi ng magkabilang-panig.

Binanggit ni Ambassador Ahmad na puno ang kasaysayan ng Europa sa mahabang panahon ng mga 'di pagkakaunawaan. Mula umano ng Stone Age ng matuto ang mga ninunong gumamit ng kahoy bilang pambambo nagsimula na ang mga sagupaan at digmaan, sa loob at labas ng Britanya, sa loob ng Europa mula sa Roman Empire, Ottoman at British ay nagkaroon nan g mga panahon ng sagupaan, pananakop at pagpapalaya. Karamihan umano ng mga 'di pagkakaunawaan at mga sigalot ang naka-ugat sa kasaysayan.

Sa pait ng karanasan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Britanya at ang iba pang mga bansa sa buong daigdig ang nagnanais na huwag ng maganap ang mga kaguluhan. Kailangan ding magkaroon ng payapang paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan.

Ayon kay Ambassador Ahmad, ang pagbuo ng United Nations na unang nagkaron ng tanggapan sa London, ay naglalayong maghari ang kapayapaan. Idinagdag pa niyang hindi naging mapayapa ang panahong sumunod sa Second World War sapagkat nagkaroon ng Iron Curtain. Nagkaroon gn mga digmaan sa Korea at Vietnam, nagkaroon din ng tension sa Cuba na muntik nang sumiklad sa mainitang digmaan. Nagkaroon din ng mga'di pagkakaunawaan sa hangganan ng Tsina at India, India at Pakistan na nagwakas sa payapang pag-uusap.

Ayon sa British Ambassador, tanging ang sigalot sa pag-itan ng Israel at mga kalapit bansa ang 'di pa nagwawakas.

Sinabi ni Ambassador Ahmad na mayroong pagkakahalintulad ang Northern Ireland at Mindanao. Ang mga Muslim sa Pilipinas, tulad ng mga Katoliko sa Northern Ireland ang naging minority community na hindi nakasama sa kaunlarang natamo ng bansa.

Ang ugat ng kahirapan ay mula sa mga panahon ng pananakop daang-taon na ang nakalilipas. Ang mga Muslim sa Mindanao at mga Katoliko sa Northern Ireland ay may mga sandata at tumaas din ang bilang ng mga nasawi sa mga sagupaan. Sinubukan ang mga pag-uusap at prosesosng politikal subalit walang nagtagumpay.

Sa panig ng Northern Ireland, ang lahat ng panig ay nakasama sa isang proseso na naging dahilan ng kasunduan na pinaniniwalaan ng madlang hindi na mababawi pa. Mapalad umano ang mga taga Britanya sapagkat sinuportahan sila ng international community sa pagsisimula ng pagtitiwala ay mga kailangang institusyon upang maipatupad ang transition. Inihalimbawa niya ang ginawa ni dating Foreign Secretary David Miliband na maaring magamit ng Pilipinas.

Sumang-ayon ang Foreign Secretary na naanyayahan silang makasama sa International Contact Group at nagsimula silang makabilang sa ICG noong Disyembre ng 2009. Sa napipintong pagtatapos ng termino ni Pangulong Arroyo, ang hamon ng paghahanap ng kapayapaan ay napunta kay Pangulong Aquino. Ginawa niyang nangungunang prayoridad ang paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao.

Tiniyak ni Pangulong Aquino na ang Malaysia ay manatiling facilitator sa negosasyon ng magkabilang panig. Kasama ng kanyang bansa ang Japan at Turkey sa pagsusulong ng peace process sa habang panahon. Sa panig ng Great Britain, lagi silang dumalo sa bawat pulong sa Kuala Lumpur at inialok nila ang mga halimbawa mula sa United Kingdom at iba pang bahagi ng daigdig.

Dinala rin nila ang mga politiko mula sa Northern Ireland upang ipaliwanag kung paano natamo ang kasunduang pangkapayapaan. Dumalaw din ang mga opisyal ng pamahalaan at pulisya at nakipag-usap sa magkabilang panig.

Nakadalaw din ang mga opisyal ng Pilipinas sa United Kingdom at nakapag-aral ng mga naganap sa bansa.

Sa paglagda sa kasunduan noong ika-27 ng Marso, hindi lamang ang tagumpay ng paglagda ang kanilang ipinagdiwang kungdi ang papel ng pandaigdigang diplomasya.

Binigyang-diin ni Ambassador Ahmad ang kahalagahan ng Bangsamoro Basic Law at ang pang-ayon nito sa Saligang Batas. Ang negotiated peace settlement ay makabuluhan sa magkabilang panig upang matanggap ang mga 'di nila pinagkakasunduan. Hindi naman matatamo ng magkabilang-panig ang lahat ng nais nilang maganap.

Ang malaking pagkakaiba ngayon ay ang pagkakaroon ng paraan upang isulong ang mga layuning politikal ng walang gagamit ng dahas, dagdag pa ni Ambassador Ahmad.

Nagkasundo ang magkabilang-panig na ang bangsamoro ay magiging bahagi ng Pilipinas. Ang magkabilang-panig ay nagsisikap na matapos ang panukalang batas upang kilalanin ng Senado at Kongreso. Ito ang magbibigay buhay sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro.

Nagkakaunawaan din na tulad ng iba pang kalakaran sa daigdig, ang pamahalaang sentral ang may kaiabang papael sa pagpapalakad ng bansa at ng mga alituntunin nito.

Samantalang pinag-uusapan ngmga mambabatas ang panukalang batas sa Bangsamoro, umaasa si Ambassador Ahmad na ang mga nagsusulong ng tunay at matagalang kapayapaan ang magtatagumpay.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>