Senate President Drilon, natuwa sa pagkakasundo ng Pamahalaan at MILF
BINATI ni Senate President Franklin M. Drilon ang government panel at ang nga negosyador ng Moro Islamic Liberation Front sa kanilang pagkakasundo sa serye ng kanilang mga pagpupulong. Ang tagumpay na ito ay nagpapatunay lamang na nais ng lahat na magkaroon ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay at kaunlaran sa buong bansa.
Sa isang pahayag, nangako si Senador Drilon na gagawin ng Senado ang lahat upang maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law sa unang tatlong buwan ng 2015.
Ani Senador Drilon, napapaloob sa Bangsamoro Basic Law ang pag-asa at mithiin ng lahat upang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao kasabay ng kaunlaran ng lahat sa larangan ng lipunan at ekonomiya.
Hindi tatalikdan ng Senado ang mga mamamayan, dagdag pa ni G. Drilon.
1 2 3 4