Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front, nagkasundo

(GMT+08:00) 2014-08-15 19:16:29       CRI

Arsobispo Leonardo Z. Legaspi, inilibing na

BINABASBASAN ANG LABI NI ARSOBISPO LEGASPI. Pinamunuan ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales (pangalawa mula sa kanan) ang labi ni Arsobispo Leonardo Zamora Legaspi, DD OP sa Misa ng Paglilibing sa Sto. Domingo Church. Pinapurihan ang yumaong arsobispo sa pamumuno sa Second Plenary Council of the Philippines noong Dekada Noventa at sa pagpapastol sa mga mananamplataya sa Camarines Sur. (Melo M. Acuna)

NAPUNO ang Sto. Domingo Church sa Quezon City sa pagdalo ng mga obispo, pari, madre, mga layko at mga kaibigan ng yumaong Arsobispo Leonardo Zamora Legaspi, isang paring Dominico na naglingkod ng matagal bilang Arsobispo ng Caceres sa Camarines Sur.

Pinamunuan ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales ang Misa sa makasaysayang simbahan ganap na ikalawa ng hapon. May 20 mga obispo mula sa buong Pilipinas at higit sa 100 mga pari ng Order of the Preachers at Arkediyosesis ng Caceres ang dumalo at nakiisa.

Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. na biniyayaan ng Panginoon si Arsobispo Legaspi ng isip, kalusugan at kakayahan. Pinuri niya ang yumaong arsobispo na nagsimula sa bokasyon sa edad na 17 ng lumahok sa Order of the Preachers. Naglingkod bilang Auxiliary Bishop ng Maynila at nanirahan sa University of Sto. Tomas at naglingkod ng mahabang panahon sa Camarines Sur.

Idinagdag pa ni Obispo Bacani na kahawig ng yumaong arsobispo ang batikang aktor na si Christopher Reeve na natanyag sa kanyang papel na "Superman."

Ani Obispo Bacani, sa pagreretiro ni Arsobispo Legaspi, minabuti niyang umuwi sa mga Dominicano at hiniling niyang malibing siya kasama ng mga kapatid niyang misyonero sa Sto. Domingo Church.

Pumanaw ang arsobispo sa edad na 78 sa sakit na cancer noong nakalipas na linggo. Dinala ang kanyang labi sa Lungsod ng Naga at pinarangalan at pinaglamayan ng tatlong araw. Ibinalik ang kanyang labi sa Maynila noong ika-13 ng Agosto.

Sa Sto. Domingo Church din pinaglamayan ang labi ni Senador Benigno S. Aquino, Jr., ama ni Presidente Benigno Simeon C. Aquino III. Pinaslang ang dating senador noong ika-21 ng Agosto, 1983 sa kanyang pagbabalik sa Maynila mula sa ibang bansa.

 


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>