|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, nababahala sa mga nagaganap
MAKARARATING ang bansa sa isang krisis sa larangan ng politika at maituturing ding Constitutional crisis na mga nagbubulid kay Pangulong Aquino na marating ang pakikipag-harap sa Korte Suprema.
Nakikita ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na mawawala ang pagkakataong mag-iwan ng magandang ala-ala sa mga mamamayan si Pangulong Aquino. Ginagamit umano ng ilan ang pangalan ng pampublikong interes upang itayo ang kanilang pansariling interes. Sa isang pahayag, sinabi ni G. Binay na ang mga gawaing ito ay "mapanganib at mapaniil."
Ani G. Binay, nagaganap ang demokrasya kung mayroong "checks and balances." Sa deklarasyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang natas ang Disbursement Acceleration Program (DAP), ito ay pagtupad lamang sa kapangyarihan at tungkulin nitong nasasaad sa Salingang Batas ng 1987 na ipinasa noong panahon ni Pangulong Corazon C. Aquino.
Tungkulin lamang ng Korte Suprema na alamin kung may pang-aabuso o pagmamalabis ang anumang sangay ng pamahalaan. Ginawa ang probisyong ito upang maiwasan ang sitwasyon na yumuyuko ang hudikatura sa kagustuhan ng isang sangay ng pamahalaan o isang tao na naganap noong Martial Law.
Ani G. Binay, sapagkat isa siya sa lumaban para sa kalayaan at demokrasya noong Martial Law, pinahahalagahan niya ang kapangyarihang ibinigay sa Korte Suprema ng Saligang Batas.
Sinabi pa niya na bilang isang manananggol (abogado), pantay ang tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas, ang ehekutibo, hudikatura at lehislatura. Kailangang igalang ang isa't isa at kilalanin ang kani-kanilang kapangyarihan, tungkulin at limistasyong nasasaad sa Saligang Batas. Ang isang malusog na demokrasya ay makabubuti sa mga mamamayan, dagdag pa ni G. Binay.
Bago pa man nagsalita ang pangulo sa isyu, sinabi na umano niya na pabor siyang buksan ang Saligang Batas sa pagsusog sa economic provisions at hindi sa term extension.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |