|
||||||||
|
||
Pari, kasama sa Philippine Contingent
MAY paring kasama ang 75 kawal na pinaliligiran ng mga rebeldeng Syrian sa Golan Heights. Ito ang sinabi ni Bishop Leopoldo Tumulak, ang military ordinary o obispo ng mga chaplain na nakatalaga sa mga himpilan ng mga kawal at pulis.
Sa mensaheng ipinadala sa CBCP News, sinabi ni Bishop Tumulak na ang mga chaplain ang nangangasiwa sa mga pangangailangang ispiritual ng Filipino peacekeepers sa pagdaraos ng Misa, paggagawad ng sakramento ng reconciliation, pagbibigay ng payo at spiritual direction.
Nananawagan si Bishop Tumulak sa madla na patuloy na ipagdasal ang kaligtasan ng 75 mga kawal sa Golan Heights.
Ang 75 mga kawal ay bahagi ng isang batalyon na nakatalaga sa pag-itan ng Israel at Syria.
Hindi kinilala ni Bishop Tumulak ang paring nakatalaga sa Golan Heights sa Syria.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |