|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, hindi natutunawan sa kanyang mga kritiko
HINDI na naman natunawan si Pangulong Aquino sa mga pumupuna sa kanya. Sa kanyang talumpati sa Mindoro Oriental, lagi siyang sasangguni sa kanyang mga "Boss" sa anumang desisyong gagawin.
Sa kanyang pagdalaw sa Calapan City, sinabi ni Pangulong Aquino na mayroong mga nagnanais ibalik ang tiwaling kalakaran sa pamahalaan. Ang mga kritikong ito, anang pangulo ay naghahasik ng pagdududa sa kanyang liderato. Hindi naman pinangalanan ang mga nagkakalat ng maling impormasyon sa mga mamamayan.
May walong malalaking proyekto ang pamahalaan na nagtatayo ng mga tulay at gumagawa ng mga lansangan. Ayon sa media reports, apat ang nasimulan at magtatapos sa taong ito. Bagaman, ang apat na iba pang proyekto ay matatapos sa huling bahagi ng 2016. Nagkakahalaga ang mga proyektong ito mula noong 2011 hanggang 2015 ng anim na bilyon at pitong daang milyong piso (P6.7 B).
Pangalawang Pangulong Binay, hindi papatulan ang hamon ni Senador Cayetano
TINANGGIHAN ni Vice President Jejomar C. Binay ang hamon ni Senador Alan Peter Cayetano na dumalo sa pagdinig sa Senado hinggil sa sinasabing overpriced Makati City Hall Building No. 2.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla, ang taga-pagsalita ni G. Binay na handang sagutin ni G. Binay ang lahat ng akusasyon subalit hindi sa Senado sapagkat ang Senado ang siyang pinakamagandang paglunsaran ng kandidatura para sa 2016.
Idinagdag ni Gobernador Remulla na ang senado ay lumalabas na magandang pook ng pagpapasikat kahit malayo pa ang 2016 presidential elections. Isang political witch hunt lamang ang mga ginagawa ng kanyang mga katunggali, dagdag pa ni G. Remulla.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |