Recruitment agencies, sabit
KAKASUHAN ang may 50 mga recruitment agencies sa pagtangging tulungan ang mga problemadong manggagawa sa ibang bansa.
Sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration, kakasuhan ang mga ahensya sa pagkakaroon ng mahinang kakayahang magdesisyon sa pagsunod sa pangangailangan ng repatriation ng kanilang mga na-recruit.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac nakansela na ang lisensya ng anim na ahensya sa hindi pagdalo sa repatriation cases tulad ng Asmara International Placement Agency, World Production International Manpower Corporation, Al Masiya Oversease Placement Realworld Corporation, Dalandan International Manpower Inc. at Nawras Manpower Services, Inc.
Hindi magdadalawang-isip ang POEA na patawan ng parusa ang mga ahensyang lalabag sa batas hinggil sa pagpapauwi sa Pilipinas ng mga manggagawang ngayo'y nasa iba't ibang halfway homes.
1 2 3 4