Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy

(GMT+08:00) 2014-10-08 15:58:28       CRI

SPECIAL REPORT

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy

BULKANG MAYON, SINUSUBAYBAYAN.  Ipinaliwanag ni Ed Laguerta (gitna), Resident Volcanologist sa Legazpi City ang mga pamantayang sinusunod upang mabatid ang kalagayan ng bulkang Mayon.  Ang bulkang ito ang pinaka-aktibo s buong bansa.  Nasa gawing kaliwa si Albay Governor Jose Sarte Salceda.  (Melo M. Acuna)

MATAPOS ang halos isang linggong pananahimik ng Bulkang Mayon, nagkaroon na naman ng tatlong volcanic earthquakes at dalawang pagguho ng mga bato sa nakalipas na 24 na oras na nagwakas kaninang ikawalo ng umaga.

Sa isang press briefing sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na pinamunuan ni Gobernador Jose Sarte Salceda, sinabi ni Dr. Ed Laguerta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Albay, na umabot ang ibinugang sulfur dioxide noong Linggo ay umabot sa 148 tonelada bawat araw.

Patuloy na nakikita ang pamamaga ng paanan ng bulkan mula noong Agosto ng taong ito hanggang ngayong Oktubre. Nananatiling malaki ang bulkan kung ihahambing sa dating sukat nito.

Gumalagaw ang putik o magma pataas mula sa ilalim ng bulkan. Malaki pa rin ang posibilidad na sumabog ito sa loob ng ilang linggo.

Sinabi pa ni Dr. Laguerta na kung noong mga nakalipas na dekada ay umasa lamang sila sa mga seismograph upang suriin ang kalagayan ng bulkan at sa pamamagitan ng laser upang mabatid kung mayroong paglaki ng bulkan, ngayon aymayroon nang geodetic component ang kanilang mga pagsusuri. Mayroon na umanong geophysics at geochemistry.

Sa katunayan ay nagpadala ng apat na geodetic experts, dalawang geochemists at isang geophysics experts ang kanilang tanggapan sa Manila.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>