|
||||||||
|
||
Limang Filipino, nasawi sa Qatar
KUMPIRMADO ng Department of Foreign Affairs ngayon ang pagkasawi ng limang Filipino sa isang sakuna sa Qatar.
Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, naganap ang sakuna malapit sa Hamad International Airport.
Wala pang ibinibigay na pangalan ng mga nasawi at dahilan ng sakuna sapagkat nagsisiyasat pa ang mga autoridad.
Sa mga naunang balita, naganap umano ang sakuna ng banggain ng isa pang sasakyan ang sinasakyan ng mga Filipino sa isang highway.
Tatlo sa lima ang magkakamag-anak samantalang ang dalawang iba pa ay nagbabakasyon lamang.
Isang nurse na Filipino ang nasaktan din sa sakuna subalit nasa mabuting kalagayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |