Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy

(GMT+08:00) 2014-10-08 15:58:28       CRI

Deklarasyon ng "No Man's Zone" nakatakdang gawin

INAAYOS na lamang ni Gobernador Jose Sarte Salceda ang pagtatayo ng mga palikuran sa evacuation centers. Ngayon ay nangangailangan sila ng may 327 unit upang wala nang mga dahilan upang bumalik pa sa mga permanent danger zone ang mga inilikas.

Sa oras na matapos ang mga ito, ipapuputol na niya ang tubig at kuryente sa mga barangay na mapanganib sa mga mamamayan. May kanya-kanyang obligasyon ang mga tanggapan ng lalawigan tulad ng paghahatid ng tubig na maiinom at maipaglalaba ng mga evacuees. Sa higit sa 54,000 evacuees, may 32,000 ang mga mag-aaral elementary at high school level.

Ibinalita rin ni Gobernador Salceda na 31 na lamang ang nagkaroon ng diarrhea mula sa 41 kaso noong nakalipas na linggo. May 317 mga bata ang moderately malnourished samantalang may 180 mga bata ang malubhang kulang sa sapat na sustansya. Tinutugunan ang problemang ito sa pamamagitan ng paglalahok o paghahalo ng food supplements sa pamamagitan ng Vita-Meal mula sa United Nations Children's Fund.

Ipinaliwanag ni Gobernador Salceda na may tatlong options ang paglilikas tulad ng pagpapanatili ng mga naninirahan sa permanent danger zone na mayroong 12,600 pamilya na gagastusan ng may P 92 milyon sa bawat araw, paglilikas ng lahat ng naninirahan sa mga mapapanganib na pook na gagastusan ng gobyerno ang proyekto na aabot sa P 3.6 bilyon at hindi na mangangailangan pa ng P362 milyon sa paggasta sa mga lilikas.

Pangatlong option paglilikas ng may 9,404 pamilya lamang. Sa pinakahuling ulat, nabatid na mayroong 39 na barangay ang nasa loob ng 6-kilometer permanent danger zone na pinagmulan ng may 12,757 mga pamilya o 54,267 katao na nasa 46 na evacuation centers sa nakalipas na 23 araw.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>