Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy

(GMT+08:00) 2014-10-08 15:58:28       CRI

Simbahan sa Albay, kabalikat sa paglilingkod sa mga nasalanta

TULOY ANG PAGHAHATID NG RELIEF GOODS.  Mga kawal ng Philippine Army ang naghahatid ng bigas sa iba't ibang evacuation centers sa Albay.  Higit sa 52,000 katao ang nasa 46 na evacuation centers ngayon.  (Melo M. Acuna)

SIMBAHAN, KABALIKAT SA PAGTULONG.  Ayon kay Gng. Mabel Offemaria ng Social Action Center, nakapamahagi na sila ng pagkain at mga sabon.  Susunod ang water containers na ipamamahagi sa bawat pamilya.  (Melo M. Acuna)

MAYROONG kakaibang palatuntunan ang Diyosesis ng Legazpi sa pagtugon sa pangangailangan ng mga naninirahan sa dalisdis ng bulkang Mayon.

Sa isang panayam, sinabi ni Gng. Mabel Offemaria na nanawagan sila sa kanilang international partners upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga lumikas. Nadala na nila ang mga WASH kits at mga pagkain sa mga evacuation centers. Susunod ang paghahatid ng mga lalagyan ng tubig sa mga paaralan.

Nadala na nila ang food packs sa may 3,485 pamilya samantalang sa pagdadala ng water containers ay 6,985 na pamilya. Mayroong tig-iisang kilo ng tuyong isda, munggo, gatas at matitimplang kape. Mayroon ding toothpaste, sanitary napkin at isang pakete ng mga sabong panglaba at pangligo. Bibigyan ng tig-iisang water container ang bawat pamilya.

Kailangan din ang social intervention sa susunod na mga panahon. Tumugon din ang Manus Unidas at nagsabing nais nilang tustusan ang mga nangangailangan.

Tumulong na rin ang Caritas Manila at Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa pamamagitan ng pagkain at damit na maisusuot. May koordinasyon naman sa pagitan ng pamahalaang panglalawigan at Diyosesis ng Legazpi. Ang pamahalaan ang magbibigay ng bigas samantalang ang simbahan ang magbibigay ng pang-ulam.

Target nilang mapatira ang may 1,200 pamilya sa mga tahanan ng mga mamamayang wala sa mapapanganib na pook. Nananawagan ang simbahan sa mga mamamayang buksan ang kanilang tahanan at patirahin ng pansamantala ang mga biktima ng trahedya.

Sa ilalim ng proyektong Harong – Hararom na Pagranga sa mga Nangangaipo, nagpadala na sila ng mga panukalang gastusan ang proyektong ito na magbibigay ng subsidyo sa mga may tahanan sa magiging dagdag-gastos sa kuryente at tubig. Bibigyan din ng kaukulang trabajo ang mga ama ng tahanan upang madagdagan ang salaping ibibigay sa kanila. Magugunitang bukas na rin ang mga paaralan.

Pamumunuan din ng simbahan ang job-matching upang magkaroon ng trabaho ang mga may kakayahan sa loob ng pamilya.

Kinilala rin ng pamahalaan ang iba't ibang mamamayang nasa kritikal na kalagayan tulad ng 643 mga taong may kapansanan, 3,241 na senior citizens, mayroong 498 mga nagdadalang-tao at may 1087 na nagpapasuso ng kanilang mga supling.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>