Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mabawasan ang Kahirapan, prayoridad ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2014-11-14 17:31:28       CRI

Mabawasan ang Kahirapan, prayoridad ng pamahalaan

SA nalalabing 594 na araw ng Aquino Administration, sinabi ni Kalihim Arsenio M. Balisacan na mabibilang ang kanilang mga prayoridad tulad ng mabawasan ng malaki ang kahirapan sa pamamagitan ng may-uring paggawa, mapanatili ang mga natamong bunga ng pagbabago at magkaroon ng pinag-ibayong palatuntunan upang higit pang mabawasan ang kahirapan.

Ipinaliwanag ni Kalihim Balisacan ang mga palatuntunang ito sa kanyang talumpati sa 52nd Annual Meeting ng Philippine Economic Society sa Hotel Intercontinental Manila kanina.

Sinabi niyang may mga nakalaang palatuntunan para sa mga lalawigan, tulad ng Category 1 – na katatagpuan ng pinakamaraming mahihirap kahit pa bihira ang mahihirap sa mga pook na ito tulad ng Cebu, Iloilo at Pangasinan. Mayroon pa ring "pockets of poverty" sa mga pook na ito.

Ang Category 2 ay mga lalawigang mayroong high incidence ng kahirapan kahit pa ang bilang ng mahihirap ay hindi marami. Malalayong pook ang kinalalagyan nito na mayroong mas mumunting bilang ng mga mamamayan. Ang dahilan ng kahirapan ay ang mga bagyo, baha at iba pang sama ng panahon at ang mga sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at mga armadong grupo.

Pangatlong kategorya ng mga lalawigan ang mga nahaharap sa multiple hazards tulad ng pagguho ng lupa at pagbaha. Ang talaan na mula sa Hazard Mapping and Assessment for Effective Community-Based Disaster Risk Management Project. Sa mga pook na ito, ang mga naka-aangat sa buhay ay maaaring masadlak sa kahirapan sa serye ng mga trahedya.

Sa oras umanong matugunan ang mga pangangailangan ng mga lalawigang ito, makaaangat na ang Pilipinas dahilan sa kahalagahan ng mga repormang ipinatupad ng pamahalaan at ang mga estratehiya upang mapaangat ang kalagayan ng mga may kakahayahang maghanapbuhay.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>