|
||||||||
|
||
Balitang lumabas, itinuwid
PINABULAANAN ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang balitang
nilampasan ng Tsina ang Pilipinas sa 21st Century Maritime Silk Road. Ayon sa pahayag na inilabas ng embahada, wala umanong pahayag ang Tsina tungkol sa anumang mapang opisyal ng 21st Century maritime silk road. Hindi rin totoo ang balitang hindi isinama ang Pilipinas mula sa blueprint ng 21st Century maritime silk road.
Ang sinaunang maritime silk road ay matagal ng pinahahalagahang ruta ng pagpapalitan ng mga kagamitan at kultura mula sa silangan patungo sa kanluran.
Noong Oktubre 2013, binanggit ni Pangulong Xi Jinping ang pagtatayo ng 21st Century maritime silk road sa kanyang pagdalaw sa Indonesia. Ayon sa Kasaysayan, ang kaisipang ito ay naglalayong mapalalim ang pakikipagtulungan ng Tsina sa daigdig sa pamamagitan ng policy communication, road connectivity, trade facilitation, monetary circulation at people-to-people exchanges ayon sa daraanan nito. Ito ang magiging dahilan ng higit at ibayong pagkakaibigan ng mga komunidad na may pinag-isang mga layunin.
Noong ika-walo ng Nobyembre ng taong ito, ibinalita ni Pangulong Xi Jinping na mag-aambag ang Tsina ng may US$ 40 bilyon upang itayo ang Silk Road infrastructure fund na magbibigay ng mga bagong oportunidad sa mga pagawaing-bayan, resources at industrial development sa 21st century maritime silk road.
Mula noong mga nakalipas na daang-taon, ang kalakal, kultura at pagkakaibigan ng mga Tsino at Filipino ay idinaan sa karagatan na ang kasaysayan ay higit pa sa libong taon. Maliwanag na kasama ang Pilipinas sa 21st century maritime silk road at kasapi ng China-ASEAN maritime cooperation.
Tanggap ng Tsina ang Pilipinas bilang isang pro-active at constructive partner sa 21st century maritime silk road na magiging sandigan ng interes ng Pilipinas at makatutulong sa social at economic development ng Pilipinas at mga Filipino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |