Taga-usig, nadakip matapos umanong mangikil
NADAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kanina sa isang ginawang entrapment operation ang isang tagausig ng Quezon City sa pangingikil umano ng may P 80,000 mula sa isang manggagamot.
Nahuli bago nagtanghalian kanina si Assistant City Prosecutor III Raul Y. Desambrana sa loob ng Serye Restaurant sa Quezon City Memorial Circle.
Ginawa ng NBI ang entrapment operation sa kahilingan ng National Union of People's Lawyers (NUPL). Hiniling ng grupo ang entrapment matapos isa sa kanilang kliyente, si Dr. Alex Montes, na kabilang sa tinaguriang Morong 43, ay magsumbong na humiling ang tagausig ng P 80,000 kapalit ng magandang desisyon sa usaping unjust vexation mula sa isang retiradong military chaplain.
Detenido ang tagausig sa National Bureau of Investigation headquarters. Aprobado ni Justice Secretary Leila de Lima ang entrapment operation.
1 2 3 4 5 6