|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagsasaka, umangat kahit pa binagyo
UMANGAT ang sektor ng pagsasaka sa Pilipinas ng may 9.55% kung halaga ang pag-uusapan at 0.33 kung volume ang susuriin sa unang siyam na buwan ng taong 2014.
Sinabi ng Philippine Statistics Authority na sumigla ang sektor sa pamamagitan ng mga crops at livestock subsectors kahit pa apektado ng mga bagyong dumaan.
Ang pambansang agricultural output ay umabot sa P 1.1 trilyon sa kasalukuyang halaga kasunod ng mga ibinayad sa food producers sa crops, livestock at poultry subsectors.
Umabot ang palay production ng 11.41 milyong tonelada mula Enero hanggang Setyembre at mas mataas ito ng 0.41% kaysa produksyon noong nakalipas na taon.
Umangat din ang corn production ng may 0.07% at natamo ang 5.93 milyong metriko tonelada naturang panahon.
Idinagdag pa ng PSA na mas mataas sana ang iniunlad ng palay kung hindi tumama ang mga bagyong "Glenda" at "Luis" na nakaapekto sa third quarter production. Nakaapekto rin ang habagat s mga nakatanim na palay sa Gitnang Luzon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |