Pangalawang Pangulong Binay, posibleng panagutin sa batas
SINABI ni Senador Miriam Defensor Santiago na posibleng mapanagot sa batas si Pangalawang Pangulong jejomar C. Binay sa pakikipagsabwatan upang magrebelyon kasunod na pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na noo'y punong-lungsod si G. Binay ay nakipagsabawatan siya at sa mga kasamang militar na patalsikin sa puesto ang Pamahalaang Arroyo noong 2007.
Sinabi ni Trillanes na nangako umano si G. Binay sa kanya na gagamitin niya ang kanyang posisyon bilang punong-lungsod na ipunin ang mga kawani ng Makati City Hall, ang mga mahihirap, ang mga mag-aaral ng University of Makati, ang Makati traffic enforcers at mga pulis upang suportahan ang mga kawal ng Magdalo sa pag-aaklas laban sa pamahalaan.
Subalit walang dumating na suporta mula sa Makati ng lumabas sa hukuman ang mga kawal. Ang insidente ay nakilala sa pangalang "Manila Pen Siege."
Niliwanag ni Senador Santiago na sa ilalim ng Article 136 ng Revised Penal Code, ang conspiracy to commit rebellion ay maparurusahan ng pagkakakulong na apat na taon, dalawang buwan at isang araw hanggang anim na taon at multang hindi bababa sa P 5,000.
Nabigyan sina Trillanes ng amnesty ni Pangulong Arroyo subalit hindi kasama sa nabigyan si G. Binay. May sapat na panahon pa umanong lisitin si Pangalawang Pangulong Binay sapagkat sampung taon ang prescriptive period ng usaping ito, dagdag pa ni Senador Santiago.
1 2 3 4 5 6