|
||||||||
|
||
Pagbasa ng sakdal laban kay Gng. Elenita Binay, hindi natuloy
HINDI itinuloy ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal laban kay Dr. Elenita Binay, maybahay ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay dahilan sa usaping graft at malversation para sa sinasabing ma-anomalyang pagbili ng may P45 milyong (halaga ng) medical supplies at kagamitan noong siya pa ang punong-lungsod ng Makati.
Ayon kay Atty. Juan Carlos Mendoza, nakatanggap sila ng resolusyon ng hukuman na nagpawalang saysay sa kanilang kahilingan na itigil ang proceedings noong Lunes.
Hiniling ni Mendoza sa hukuman na huwag munang ituloy ang pagbasa ng sakdal sapagkat balak nilang magparating ng motion for reconsideration sa naunang desisyon.
Itinakda ng Sandiganbayan Third Division ang arraignment sa darating na ika-29 ng Enero sa ganap na ala-una y media ng hapon dahilan sa hindi pa nadedesisyunang mosyon.
Matapos ang hearing, tumangging sumagot si Gng. Binay sa mga tanong ng mga mamamahayag. Sinabi niyang nais lamang niyang malayo sa mata ng bayan sapagkat abala siya sa pag-aalaga sa kanyang mga apo.
Nag-ugat ang mga usapin laban sa maybahay ng pangalawang pangulo sa sinasabing iregularidad sa pagbili ng mga kama sa pagamutan na nagkakahalaga ng P36.43 milyon para sa Ospital ng Makati noong 2001. Akusado rin siya sa sinasabing anomaly sa pagbili ng may P 8.83 milyong halaga ng dry heat sterilizer noong taong ding iyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |