|
||||||||
|
||
General Catapang, nag-utos na hanapin ang mga nanabotahe sa peace process
GENERAL CATAPANG, DUMALAW SA MAGUINDANAO. Inatasan ni General Gregorio Pio Catapang, Jr., AFP Chief of Staff, ang kanyang mga kawal na dakpin ang mga nanggugulo sa Mindanao peace process. Kinilala niya ang mga nasa likod ng mga pagpapasabog at pananalakay na mula sa splinter group ng Moro Islamic Liberation Front na ngayo'y kilala sa pangalang Bangsamoro Independence Freedom Fighters. (AFP Photo)
INUTUSAN ni General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang kanyang mga tauhan na dakpin ang mga nananabotahe sa peace process.
Sa kanyang pagdalaw sa 6th Division ng Philippine Army sa Cotabato City kanina, sinabi niya na dapat lamang dakpin at papanagutin ang mga may kagagawan ng serye ng pagpapasabog at pananalakay sa mga kawal at mga barangay.
Pinaniniwalaang panggugulo lamang ng mga Bangsamoro Independence Freedom Fighters (BIFF) ang mga pagpapasabog at pananalakay.
Tiniyak ni General Catapang na tuloy ang kanilang paghahanap sa mga may kagagawan ng kaguluhan. Idinagdag pa ng heneral na itinatago ng BIFF ang mga pinaghahanap na terorista na kinabibilangan ni Marwan at Mauwiyah. Sumusuporta din umano ang grupo sa Islamic State sa Gitnang Silangan.
Nagunita rin ng heneral na parang isang homecoming ang kanyang pagbalik sa Cotabato sapagkat una siyang napalaban sa mga armado sa Maguindanao at Cotabato noong kanyang kabataan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |