|
||||||||
|
||
Mga bus, pinagbawalang maglakbay
PINAGBAWALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang provincial bus companies na may sasakyang gagamit ng roll-on-roll-off facilities sa Southern Luzon, Eastern Visayas at Mindanao na daraanan ng bagyong "Ruby" bukas.
Ayon sa poder na ibinibigay sa ilalim ng Public Service Act, ang lupon ay naglabas ng kautusan bilang paghahanda sa posibleng pinsalang idudulot ng bagyo na may lakas na 215 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 250 kilometro bawat oras.
Nakita ang bagyo sa layong 425 kilometrosa silangan ng Borongan sa Silangang Samar at kumikilos sa bilis na 13 kilometro bawat oras. Tatama si "Ruby" sa pagitan ng Eastern at Northern Samar. Magiging lubhang maalon ang karagatan sa Hilangang Luzon, silangang bahagi ng Southern Tagalog at Bicol Regions at maging sa silangang bahagi ng Kabisayaan at hilaga at silanganng bahagi ng Mindanao.
Nilagdaan ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang kutusan. Saklaw ng kautusan ang pagbabawal sa bus operators na pahintulutan ang kanilang mga sasakyang maglakbay sa mga rutang na sa ilalim ng Signal No. 1 sapagkat suspendido ang operasyon ng mga daungan.
May pagtutulungan na ang LTFRB at Land Transportaton Offie upang sumunod ang lahat ng kinauukulan sa kanilang kautusan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |