|
||||||||
|
||
Opisyal ng Oman, dumalaw kay Pangalawang Pangulong Binay
MATAAS NA OPISYAL NG OMAN, DUMALAW KAY PANGALAWANG PANGULONG BINAY. Tinanggap ni Vice President Jejomar C. Binay ang alalang dala ni Minister Sayyid Badr bin Haman Albusaidi, secretary general ng Omani Ministry of Foreign Affairs kaninang umaga. Dumalaw ang Omani official sa paglulunsad ng regular na biyahe sa pagitan ng Muscat at Maynila. (OVP Photo)
DUMALAW kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay si Minister Sayyid Badr bin Hamad Albusaidi, Secretary General ng Ministry of Foreign Affairs ng Oman.
Pinag-usapan nila ang mga hakbang na kailangan upang isulong ang mga karapatan at kabutihan ng mga manggagawang Filipino doon. Dumalaw ang ministro kanilang umaga sa Coconut Palace, ang tanggapan ni G. Binay.
Pinag-usapan din nila ang paglulunsad ng biyahe ng Oman Air sa pagitan ng Muscat at Maynila. Umaasa ang dalawang opisyal na magdudulot ito ng mas maraming turistang dadalaw sa dalawang bansa.
Matapos ang kanilang pag-uusap, tinanggap ni Pangalawang Pangulong Binay ang ala-alang dala ni Minister Hamad Albusaidi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |