Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-isa ang nasawi sa pagsabog ng isang pampasaherong bus

(GMT+08:00) 2014-12-11 17:19:29       CRI

Pagpapasabog sa bus, kinondena ng Malacañang

DESIDIDO ang pamahalaang malaman kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog sa Rural Transit Bus na ikinasawi ng labing-isa katao. Kasabay ito ng pagkondena ng Malacanang sa naganap kahapon.

Naganap ang pagsabog sa Maramag, Bukidnon samantalang patungo sa Cagayan de Oro City. Ayon kay Assistant Presidential Spokesperson Abigail Valte, nabatid kaagad ng Malacañang ang pangyayari.

Nagtutulungan na umano ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang madakip ang mga may kagagawan. Tutulong ang pamahalaan sa mga naulila at mga nasugatan.

Hanggang kanina ay wala pang nagsasabing sila ang may kagagawan ng pagpapasabog. Karaniwang ginagawa ng mga ekstorsyonista ang pagpapasabog ng bus sa oras na tumanggi ang bus operators na magbayad ng proteksyon.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>