|
||||||||
|
||
Satisfaction rating ni Pangulong Aquino, nakabawi
GUMANDA ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa huling tatlong buwan ng 2014 ayon sa ginawang survey ng Social Weather Stations.
Nagkaroon si G. Aquino ng net satisfaction rating ng 39 (63% satisfied, 24 % dissatisfied at 14 % undecided) ayon sa SWS Survey na ginawa sa may 1,800 respondents mula ika-27 ng Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre.
Ayon sa SWS rating classification na mula +30 hanggang + 40 ay kinikilalang "good."
Ang results na unang inilathala sa pahayagang BusinessWorld, ay nagpakita ng "slight improvement" sa net satisfaction rating. Ito umano ang pinakamataas na rating na natamo ni Pangulong Aquino matapos malaglag mula +45 noong unang quarter at nauwi sa +25 sa second quarter samantalang nagkaroon ng +34 sa ikatlong quarter.
Maganda ang rating ni Pangulong Aquin sa Mindanao na nagkaroon ng 66%. Mayroong 20% na nagsabing dissatisfied sila sa kanyang performance at mayroong 14% undecided.
Sa National Capital Region naitala ang pinakamababang satisfaction rating na +23 sa pagkakaroon ng 55% satisfied, 31% dissatisfied at 14% undecided.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |