Japan, mag-aambag ng mga kumot, tulugan at iba pa
NAGDESISYON ang Pamahalaang Japones na magpadala ng emergency relief goods na binubuo ng mga kumot, banig at plastic sheets na nagkakahalaga ng ¥ 22 milyon o P 8.2 milyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency sa kahilingan ng Pamahalaang Pilipino.
Tumama ang bagyong "Hagupit" o "Ruby" sa Pilipinas noong ika-anim ng Disyembre at naging sanhi ng malawak na pinsala. Higit sa 1.7 milyon katao ang inilikas sanhi ng bagyo.
1 2 3 4 5