Kalihim Luistro, nakiisa sa pagkondena sa pagpaslang
NANINDIGAN ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamumuno ni Kalihim Bro. Armin Luistro sa madugong pagpasalang sa mga mag-aaral sa Peshawar, Pakistan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Kalihim Luistro na kasama ang mga mag-aaral na Filipino, kinokondena nila ang terorismong ginawa ng mga Taliban sa mga walang kalaban-labang mag-aaral at mga guro.
Naniniwala ang Kagawaran na ang Edukasyon na ang pag-aaral at mga bata sampu ng mga guro ay 'di nararapat maging biktima ng kaguluhan. Ang lahat ng mga paaralan ay kinikilalang "Zones of Peace" at malaya sa anumang kaguluhan at nanatiling moog ng kapayapaan at kaalaman.
Nakikiramay din si Kalihim Luistro sa pagluluksa ng mga naulila ng daang buhay na nawala at naglahong mga pangarap. Patuloy na magdudulot ng liwanag sa pamamagitan ng panalangin para sa mga nakaligtas at mga pamilyang nalulumbay. Dalangin din nila ang pagtataglay ng lakas at paghilom ng mga sugat sa madaling panahon.
1 2 3 4 5