|
||||||||
|
||
Public Attorney's Office, dumalaw sa Correctional Institute for Women
HIGIT sa 2,300 mga babaeng bilanggo ang nakinabang sa paglilingkod ng mga abogado, duktor at dentista mula sa Public Attorney's Office sa pamumuno ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta kaninang umaga.
Kasama si Deputy Chief Public Attorney Silvestre Mosing at may 20 mga abogado na nakinig at dumalo sa mga bilanggong naghihintay na malakaya sa pamamagitan ng Board of Pardons and Parole, isang ahensya sa ilalim ng Kagawaran ng Katarungan.
Sa mga isinagawang medical at dental consultations, nabigyan din ng mga over-the-counter at maintenance drugs and mga bilanggo. Karaniwang karamdaman ay ang high blood at diabetes. Mayroon ding mga nangangailangan ng bitamina.
Ani Atty. Acosta, karaniwang nilang ginagawa ito upang mabatid ang mga pangangailangan ng mga bilanggo bukod sa payong legal. Nararapat ding daluhan ang kanilang mga pangangailangan sa kalusugan. Matapos ang kanilang pagdalaw sa Correctional Institute for Women, tumuloy ang grupo ni Atty. Acosta sa Mandaluyong City Jail.
Sa Lunes, nakatakda silang dumalaw at maglingkod sa mga bilanggo sa Marikina City Jail.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |