|
||||||||
|
||
Commemorative coins sa pagdalaw ni Pope Francis, ilulunsad
ILULUNSAD ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang dalawang commemorative coins na napapanahon sa pagdalaw ni Pope Francis sa ika-15 ng Enero ng 2015.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Vicente S. Aquino na ang commemorative coins sa denominasyon ng P 50 at P 1,000 at ilalabas sa darating na Huwebes, ika-15 ng Enero 2015 kasabay ng pagdating sa bansa ni Pope Francis mula sa Sri Lanka.
Ang commemorative coins na gawa sa ginto at pilak ay ilalabas sa darating na Abril o Mayo ng 2015.
Nakatakdang gumawa ng may 1,000 piraso ng gintong commemorative coin na ginto samantalang may gagawing 3,000 pirasong pilak na pawang maituturing na limited edition.
Ayon kay Gng. Nanette Ella, ang director ng Mint and Refinery Operations Department, isa itong magandang pagkakataon upang maging bahagi ng kasaysayan ng bansa ang pagdalaw ni Pope Francis sa Enero.
Samantala, inilunsad kanina ang tatlong limited edition ng commemorative coins na kumikilala sa mga manggagawang Filipino sa iba't ibang bahagi ng mundo. May denominasyon itong P 5.
Kasabay ding inilunsad ang P 10 commemorative coin na kumikilala sa ika-150 taong kapanganakan ng bayaning si Apolinario Mabini at ang Leyte Landing noong World War II na nagkakahalaga rin ng P 5.
Kasunod ito ng mga commemorative coins na inilunsad sa ika-150 taon ni Dr. Jose Rizal noong 2011 at ika-150 taon ni Andres Bonifacio noong 2013.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |