Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Arroyo, pinayagang makalabas ng piitan

(GMT+08:00) 2014-12-22 17:58:20       CRI

Pangalawang Pangulong Binay, Senador Grace Poe at Kalihim Mar Roxas nanguna sa SWS Survey

NANGUNGA pa rin si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, Senador Grace Poe at Interior Secretary Mar Roxas sa mga napipisil ng mga mamamayang pamalit kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Mayroong 37% si G. Binay samantalang may 21% si Senador Grace Poe samantalang nakapagtala naman si Kalihim Roxas ng 13% ayon sa survey na unang inilathala sa pahayagang BusinessWorld.

Ginawa ang survey sa may 1,800 respondents sa buong bansa at may sampling error na plus or minus 2% para sa pambansang percentages; plus or minus 6% para sa Metro Manila, Balance Luzon at Mindanao samantalang mayroong plus or minus 3% para sa Visayas.

Itinanong sa mga mamamayan ang kanilang pananaw sapagkat ayon sa Saligang Batas, magtatapos ang termino ni Pangulong Aquino sa 2016 at magkakaroon ng halalan. "Sino sa akala ninyo ang marapat pumalit kay Pangulong Aquino.? Makapagbibigay kayo ng tatlong pangalan."

Nagkaroon si Senador Miriam Defensor Santiago ng 10%, Senador Francis Escudero 9%, Manila Mayor Joseph Estrada 9%, Davao City Mayor Rodrigo Duterte 5%, Senador Antonio Trillanes IV 5%, Senador Ferdinand Marcos, Jr. 3%, Senador Allan Peter Cayetano, 3%, dating Senador Manuel Villar, 2%, Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. 2%, Rehab Czar Panfilo Lacson, 2%, Senador Loren Legarda, 1%, Senate President Franklin M. Drilon, 1% at Presidential Assistant for food Security and Agricultural Modernization Francis "Kiko" Pangulinan, 1% at Congressman Emmanuel "Manny" Pacquiao, 1%.

Sa isang statement na ipinadala sa media, nagpasalamat si Vice President Jojo Binay sa kanyang natamong ratings sa pinakahuling SWS survey.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>