Kalihim Luistro, nagpasalamat sa mga guro at iba pang opisyal
BUMATI ng "Maligayang Pasko" at nagpasalamat si Kalihim Bro. Armin Luistro ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanyang mga kasamang guro at iba pang opisyal ng kanyang tanggapan. Naging makabuluhan, ani Kalihim Luistro ang Kapaskuhan sapagkat lahat ng mga kawani ay umambag sa paggugol ng panahon, katapatan at ibayong paglilingkod sa mga mamamayan.
Nakita umano sa taong 2014 ang iba't ibang pagsubok sa Kagawaran tulad ng mga kaguluhan sa loob ng silid aralan at posibilidad ng mga trahedyang maganap dala ng kalikasan at natugunan ang mga ito sa pagtiyak na ligtas ang mga nasa paaralan.
Idinagdag pa ni Kalihim Luistro na hindi kailangang mawalan ng pag-asa sa gitna ng magagaling na taong naglilingkod sa mga mamamayan. Kailangan lamang ang ibayong pagtutulungan upang makamtan ang mga mithi ng bayan, dagdag pa ni Kalihim Luistro.
1 2 3 4 5