Pilipinas, hindi pa handa sa pagkilala at pag-iwas sa mga karamdaman
WALANG sapat na kakayahan ang Pamahalaan ng Pilipinas na kumilala at makaiwas sa mga komplikasyong kinabibilangan ng resistance to treatment dala ng pinagsanib na tuberculosis at diabetes mellitus.
Ayon sa mga mananaliksik ng Philippine Institute for Development Studies na pinamunuan ni Dr. Emmanuel S. Baja, kailangang magsama at magtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan upang higit na manaliksik at magkaron ng pinag-isang pagtugon upang mabatid, maiwasan at maalagaan ang may karamdamang mula sa nakamamatay na TB-Diabetes Millitus. Ito ang lumabas sa pag-aaral ng PIDS. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay bahagi ng Health System Research Management Project ng PIDS at Department of Health.
Ibinalita ng International Diabetes Foundation sa kanilang ulat sa taong 2014 na ang mga taong may diabetes ay karaniwang nagkakaroon ng tuberculosis. Sa mga bansang may tumataas na bilang ng diabetes, nakagugulat ang pagtaas ng bilang ng may tuberculosis. Ang pinagsanib na impeksyon angh magpapahirap sa mga pasyenteng may TB at Diabetes na makatugon sa paggamot.
Sa ulat ng World Health Organization noong 2011 ang mga may TB na mayroong diabetes ang mas malaki ang panganib na masawi. Ang Pilipinas ay pang-15 sa mga diabetes hotspots sa daigdig. Kasabay nito ang magkakaroon ng maraming kaso ng multidrug resistant TB.
1 2 3 4 5