2015 Budget lalagdaan ni Pangulong Aquino bukas
INAASAHANG lalagdaan ni Pangulong Aquino bukas, araw ng Martes, ang P 2.606 trilyong budget sa Malacanang.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na lalagdaan ni Pangulong Aquino ang General Appropriations Act for 2015 na bunga ng matagal at mahabang pagbabalik-aral at pagbabalak ng mga ahensya upang higit na matugunan ang pangangailangan ng madla.
Idinagdag pa ni Atty. Lacierda, ito ang ikalimang pagkakataon na ang budget ay naipasa sa takdang panahon na diumano'y simbolo ng pangako ng pamahalaang magbago.
Kasama sa layuning tustusan ng P 2.606 trilyong budget ang inclusive growth, transparency at accountability sa layuning magkatotoo ang "build back better scheme."
1 2 3 4 5