Pangulong Aquino, binalaan ang madla sa mga politiko
MAYROONG mga politikong nagpapanggap na kakampi ng madla. Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang mensahe sa Bagong Taon.
Idinagdag pa niya na mayroong mga taong nagmamasid sa bawat pagkilos ng pamahalaan at naghihintay na mahilang pababa pabalik sa isang sistemang balot ng katiwalian.
Kailangang maging mapanuri at mapagmatyag ang mga mamamayan. Sa ikalimang taon ng panunungkulan ng Administrasyong Aquino, nagtitiwala umano siya sa mga mamamayan na nakababatid kung sino ang mga kakampi at kung sino ang nagpapanggap lamang.
Kailangan umanong piliin ang landas ng malasakit at katwiran. Kailangang pumanig sa tama at umiwas sa mga mapagsamantala. Magpapatuloy ang mga repormang nasimulan at hindi na magbabago pa sa taong 2015.
1 2 3 4 5 6