|
||||||||
|
||
Anim ang nasawi sa bagyong Seniang
PATULOY na nanalasa ang bagyong "Seniang" sa katimugan at gitnang bahagi ng Pilipinas na nagdulot ng bahang hanggang leeg. Anim katao na ang nasawi.
Si "Seniang" ay inaasahang maghahatid ng hanggang kalahating talampakang ulan bawat oras ang dumaan sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu kanina. May 1,700 katao ang inilikas bago pa man dumating ang bagyo.
Nabalitang may isang walong taong-gulang na batang babae ang nalunod sa tubig-baha matapos matangay ang kanilang tahanan sa Ronda, Cebu. Anim sa mga kasama ng bata ang nawawala.
Dalawang batang lalaki ang nakuryente samantalang naglalakad sa baha sa Loon, Bohol. Umapaw ang mga dalampasigan ng mga ilog, binaha ang mga lansangan ng hanggang tuhog na tubig at nakapinsala ng mga lansangan. Maraming mga sasakyan ang 'di na nakapaglakbay.
Inaasahang bababa ang baha sa Cebu at Bohol kaninang hapon subalit posibleng bumaha pa rin sa Negros Island sa kanlurang bahagi ng kabisayaan.
Tatlo katao ang nasawi kahapon matapos tumama sa kabundukan ang bagyo sa timog-silangang bahagi ng Mindanao at naging dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa.
May 14,000 katao ang inilikas sa Surigao del Sur. Pauuwiin na sila sa oras na humupa ang baha. Sampung flights ang kanselado kanina.
Lalabas ng kalagitnaan ng Pilipinas si "Seniang" bukas ng gabi at dadaan sa katimugang bahagi ng Palawan at makalalabas na sa Pilipinas sa Huwebes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |