Obispo nagsabing mahalaga ang pakikipagkasundo sa Bagong Taon
NANAWAGAN si Balanga Bishop Ruperto C. Santos sa mga mananampalataya na pagpunyagiang maging payapa ang bagong taon. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Bishop Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People na magaganap ang kapayapaan kung mayroong pagkakasundo sa mga kasapi ng pamilya, komunidad at pakikipagkasundo sa Diyos.
Sa dalawang pahinang mensaheng ipinadala sa CBCP Media Office, sinabi ni Bishop Santos na higit na magiging matibay ang kapayapaan kung igagalang ng tao ang kanyang kapwa at sasang-ayon sa katarungan at tatanggi sa panggigipit, pagsang-ayon sa pag-ibig at hindi sa paghihiganti.
Dalangin din ni Bishop Santos na maging mabiyaya ang susunod na taon. Magaganap ito sa pamamagitan ng pagpupunyagi at paglilingkod ayon sa mga inaasahan sa mga manggagawa.
Ang kapayapaan at biyaya ay hindi makakamtan kung walang panalangin, dagdag pa ni Bishop Santos. Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang kapayapaan at kaunlaran ay makakamtan sa pamamagitan ng panalangin at biyaya ng Diyos.
1 2 3 4 5 6