Pangulong Aquino, panauhing pandangal sa kasal ni Dingdong at Marian
TANGING "Witness of Honor" si Pangulong Pnoy Aquino sa kasal ng mga artistang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City na sinimulan kaninang ikatlo ng hapon.
Idaraos ang reception sa Mall of Asia Arena sa ganap na ika-anim ng gabi. Aabot sa 1,000 mga panauhin ang inaasahang dadalo sa kasal at sa hapunan. Bukod kay Pangulong Aquino na Ninong sa kasal, makakasama bilang principal sponsors sina Ogie Alcasid, Mac Alejandre, Ben Chan, GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, Perry Lansigan, German Moreno, Randy Ortiz, Marciano Reyes V, Vic Sotto, Regine Velasquez, Joyce Bernal, Lolit Solis, Sharon Cuneta, Wilma Galvante, Vicky Belo, Liluy Monteverde, GMA Senior Vice President Lilybeth Rasonable, Vilma Santos, Celia Rodriguez at Kris Aquino.
1 2 3 4 5 6