Communist Party of the Philippines nakiisa sa pagsalubong kay Pope Francis
NAKIISA ang Communist Party of the Philippines sa mga Katolikong Pilipino sa pagsalubong kay Pope Francis na darating sa Huwebes at mananatili sa bansa hanggang sa Lunes, ika-19 ng Enero.
Nagdeklara ng limang araw na ceasefire mula hatinggabi ng Huwebes hanggang hatinggabi ng Lunes. Sa pagdalaw ng Santo Papa, nais umano ng mga mamamayang iparating ang mga problemang kinakaharap ng bansa tulad ng kahirapan, pagkagutom at panggigipit, malawak na agwat ng mayayaman at mahihirap.
Halos 500 mga political prisoners, pamilya at kaibigan ang humihiling ng tulong kay Pope Francis sa paghahanap ng katarungan at kalayaan. Ang mga nakaligtas sa mga kalamidad ang humihiling ng habag sa Santo papa sa paghahayag ng diumano'y kapabayaan ng pamahalaan. Hihiling din sila ng makatarungang rehabilitation program na magbibigay ng halaga sa mga mahihirap na magsasaka, mangingisda at mga manggagawa.
1 2 3 4 5