Namumunong sama ng panahon, naka-amba sa Pilipinas
ISANG low-pressure area ang posibleng makapasok sa Philippine Area of Responsibility kasabay ng pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas ang low pressure area at magiging tropical depression at papangalanang si "Amang" sa pagpasok nito sa nasasakupan ng bansa patungo sa kanluran-hilagang kanlurang direksyon.
Magdudulot ito ng banayad hanggang sa malakas na hangin at banayad hanggang patuloy na pag-ulan at mga pagkulog at pagkidlat sa Silangang Kabisayaan at Bikol sa Huwebes. Ang Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan at mga pag-ambon at pag-ulan samantalang ang Kabisayaan ay magiging maulap ang kalangitan.
Pagsapit ng Biyernes at Sabado, inaasahan si Amang na malapit sa Bicol Region at magdudulot ng malakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa rehiyon at sa Eastern Visayas, kabilang na ang Tacloban at Palo, Leyte.
1 2 3 4 5