Malacañang nanawagan sa mga politiko at kumpanya
MAS makabubuting lumayo na muna ang mga politiko at mga kumpanya sa paggamit sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas upang magtamo ng media mileage.
Ani Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na naniniwala ang Malacañang na ang mga halal na opisyal at mga mangangalakal ay umatras na muna upang matuon ang pansin kay Pope Francis mula sa ika-15 hanggang ika-19 ng Enero.
Sinabi ni Kalihim Coloma na ang mga naghahangad na maging prominente ay makabubuting maghanap na lamang ng ibang okasyon sa halip na pagdalaw ng Santo Papa.
Narinig na rin kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang panawagang huwag nang gamitin ang okasyon upang isulong ang layuning politikal. Binalaan din niya ang mga gagamit ng tarpaulin na may mga pangalan ng mga politiko na sasalubong sa Santo Papa.
1 2 3 4 5